^

Metro

Guro patay, anak kritikal sa aksidente

-
Isang public school teacher ang nasawi, habang nasa malubhang kalagayan ang kanyang anak na lalaki matapos na tumilapon ang mga ito nang mabangga ang tricycle na kanilang sinasakyan ng isang Tamaraw FX na minamaneho ng isang 13-anyos kamakalawa sa Caloocan City.

Kinilala ang namatay na si Zenaida Egea, 56, guro sa Caloocan Elem. School, ng Sto. Niño, Meycauayan, Bulacan habang nasa kritikal na kalagayan ang anak nitong si Alberto, 27, sa Chinese General Hospital.

Ang suspect na itinago sa pangalang James, ng Palmera Spring, Camarin, ng nasabing lungsod, ay isinuko ng kanyang mga kaanak sa awtoridad matapos ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga sa may Congress Road, Bagumbong, nang maibangga ng suspect ang minamaneho nitong FX sa tricycle na minamaneho naman ng isang Rommel Bonkan na himalang hindi nasaktan, na sinasakyan ng mag-ina.

Ayon kay Bonkan, hindi na siya nakaiwas na mabilis na bumangga ang sasakyan ng suspect matapos na mawalan umano ito ng kontrol sa manibela. (Ellen Fernando)

ALBERTO

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN ELEM

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CONGRESS ROAD

ELLEN FERNANDO

PALMERA SPRING

ROMMEL BONKAN

ZENAIDA EGEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with