Jinggoy isinugod sa Makati Medical Center
May 18, 2002 | 12:00am
Maliban pa sa sakit sa puso at pagdurugo ng puwet, may iba na namang karamdaman si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada.
Kamakalawa ng gabi ay isinugod sa Makati Medical Center mula sa Veterans Memorial Medical Center ang dating alkalde dahil sa aspiration pneumonia, isang uri ng sakit sa baga.
Ayon kay Dr. Lorenzo Jocson, personal physician ng mga Estrada, emergency at kakapusan ng intensive care unit (ICU) monitoring equipment sa VMMC ang dahilan sa paglilipat kay Jinggoy sa ibang pagamutan.
Naging isang emergency case umano ang kalagayan ni Jinggoy matapos itong sumuka at kumuha nang paghinga sa bibig na naging dahilan upang pumasok sa baga nito ang acid mula sa tiyan.
Bagaman nasa maayos ng kalagayan si Jinggoy kumpara sa sitwasyon nito kagabi kung saan hindi ito makahinga, hindi umano nila masasabi kung kailan maaaring ibalik sa VMMC ang dating alkalde.
Inamin pa ni Jocson na hindi sila pormal na nakapagpaalam sa Sandiganbayan Special Division kaugnay sa paglilipat kay Jinggoy sa pagamutan.(Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended