Osang hindi palalabasin ng bansa
May 17, 2002 | 12:00am
Hiniling kahapon ng mga abogado ng negosyanteng nagsampa ng kasong libelo laban sa actress/TV host na si Rosanna Roces sa Pasig City Regional Trial Court na magpalabas ng hold departure order (HDO) laban dito upang hindi na ito makalabas ng bansa.
Ayon kay Atty. James Jayson Jorvina, abogado ni Jojo Manlongat, isang mosyon ang kanilang isusumite sa sala ni Judge Abraham Borreta ng Branch 154 upang hilingin na magpalabas ng HDO laban sa actress/TV host.
Ikinatuwiran ni Jorvina na madalas lumabas ng bansa si Roces (Jennifer Molina sa totoong buhay) na isang dahilan para bumagal ang pagdinig ng kaso at ma-postpone ang arraignment ng dalawang beses dahil sa hindi ito makadalo.
Magugunita na nag-plead ng "not guilty" si Roces noong nakaraang Martes sa kasong libelo na isinampa ni Manlongat matapos na tawagin siyang carnaper nito sa kanyang programa sa telebisyon dahil sa pagkakasangkot sa Valle Verde Gang, isang grupo na nagnanakaw ng mga luxury car sa Kamaynilaan.
Una nang nagpalabas ng resolusyon ang Department of Justice (DOJ) na nagbabasura sa nasabing kaso subalit ito ay pinawalang bisa ni Borreta kaya itinakda ang pre-trial sa Hunyo 5.
Aapela naman ang mga abogado ni Roces sa Court of Appeals para ipawalam- bisa ang desisyon ni Borreta. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended