^

Metro

Unfair na judge kakasuhan sa SC

-
Sasampahan ng kasong kriminal, administratibo at sibil ang isang judge at sheriff ng Muntinlupa City Regional Trial Court sa Korte Suprema dahil sa hindi umano pagbibigay ng patas na desisyon laban sa kaso ng mag-asawang negosyante.

Sina Judge Norma Perello at Sheriff Benito Cusi ng Muntinlupa City RTC ay nakatakdang sampahan ng mga kaso ng Supreme Court ng mag-asawang Manuel at Agnes Abad, ng Fairview, Quezon City at may-ari ng Asian Institute of Health Care (AIHC).

Nabatid na ang mag-asawang Abad ay sinampahan ng kasong kriminal at sibil ng AMA Computer College sa sala ni Perello noong nakaraang buwan.

Dahil sa mga desisyong ipinalabas ni Perello na pumapabor umano sa nabanggit na computer school, naisagawa ang ilang serye ng pagsalakay sa ilang sangay ng AIHC, isang training school ng mga care-giver at nag-aalaga ng mga napabayaang matatanda.

Inakusahan ang nabanggit na huwes na hindi umano patas ang mga desisyong ipinalalabas nito laban sa mag-asawang Abad.

Kaya’t sasampahan ng kasong kriminal, administratibo at sibil sina Perello at Cusi sa Korte Suprema.

Nais lamang aniya ng mag-asawang negosyante na maging patas ang naturang huwes. Nabatid na si Perello ay nakabakasyon umano. (Lordeth Bonilla)

ABAD

AGNES ABAD

ASIAN INSTITUTE OF HEALTH CARE

COMPUTER COLLEGE

KORTE SUPREMA

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY REGIONAL TRIAL COURT

NABATID

PERELLO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with