Pusher arestado sa 1 kilo ng 'damo'
May 16, 2002 | 12:00am
Naaresto ng pulisya ang isang umanoy notorious na drug pusher kasabay ng pagkakumpiska ng tinatayang isang kilo ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng umaga sa Malabon City.
Si Lazaro Santos, alyas Boyet Mata, 31, ng Blk. 21 Lot 3 Brgy. Daang-Hari ng nasabing bayan ay kabilang sa watchlist ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).
Ayon kay Supt. Pedro Ramos, hepe ng Malabon police, dakong alas-11:10 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation sa kahabaan ng Tabing Dagat, Brgy. Daang-Hari.
Bukod sa nasa watchlist ang suspect at umanoy notorious na drug pusher sa nasabing lugar, isang tawag umano sa telepono ang kanilang natanggap mula sa mga residente tungkol sa talamak na pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ng una.
Kaagad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga kagawad ng Malabon police at nakuha mula sa pag-iingat ng suspect ang may limang gramo ng umanoy shabu at 821 kilo ng marijuana.
Kasalukuyang nakapiit ang suspect habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 6425 o Dangerous Drug Law. (Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended