Matapos ang ilang araw na pananahimik ay muli na namang binasag ng NBI ang kanilang katahimikan nang lumutang ang nasabing sexy star at nag-alok ng kanyang tulong upang kilalanin ang mga kapwa niya artista na lulong sa droga.
Ayon sa source, malaki umano ang maitutulong ng nasabing starlet sa kanilang mga operasyon dahil nakaka-jamming pa umano nito ang mga artista na kanyang tutukuyin.
Sa kabila ng mga batikos na tinatanggap ng NBI mula sa mga artista na nadadawit ang mga pangalan sa ecstacy dahil na rin sa ginawang pagbubunyag ng naarestong drug-runner na si Jaspher ay mariing sinabi ng source na hindi umano nila tinatantanan ang pagsu-surveillance sa mga artista na nasa kanilang watchlist. (Ellen Fernando)