Life hatol sa killer ng cab driver
May 15, 2002 | 12:00am
Habambuhay na pagkabilanggo ang ipinataw na kaparusahan ng Manila Regional Trial Court (MRTC) sa isang miyembro ng Commando Gang na napatunayang nangarnap ng taxi at pumatay sa driver nito may limang taon na ang nakakaraan.
Sa anim na pahinang desisyon, hinatulan ng MRTC Branch 41 Judge Rodolfo Ponferada si Jose Baltazar Eraldo ng reclusion perpetua at inutusan din itong magbayad ng kabuuang halagang umaabot sa P193,000 bilang danyos sa mga naulila ng biktimang si Bienvenido Tumada.
Sa rekord ng korte lumitaw na noong nakalipas na Oktubre 17, 1997 ay sumakay si Eraldo sa Arman Taxi na minamaneho ng biktima na kanyang kinarnap at hindi pa nakontento ay sinaksak at pinatay pa ang driver.
Tumestigo laban sa suspect ang mismong nobya nito na si Theresa Buenaflor at kapatid nitong si Bryan Buenaflor. (Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended