Fare hike hindi tuloy

Makaraan na ipahayag kamakailan lamang ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa pamamagitan ng pangulo nitong si Menardo Roda na ilalarga nila ang Welgang Bayan kasunod ang pagtaas ng pasahe sakaling muling magtaas ang presyo ng gasolina ay agad-agad ding nagbago ang isip ng mga ito sa pagpapahayag na hindi muna sila magtataas ng singil sa pasahe.

Sinabi ni Roda kahapon na hanggat hindi umaabot ng hanggang P2 ang itinataas ng gasolina ay hindi sila magtataas ng kanilang singil sa pasahe.

Sinabi pa ni Roda na hindi kailangan na maging manhid sa pangangailangan at paghihirap ng taumbayan.

"Wala kaming planong maging kontrabida pa sa taumbayan sa kinakaharap na krisis," dagdag pa ni Roda. (Andi Garcia)

Show comments