^

Metro

Videoke King contest sa Bilibid Prison

-
Upang maiwasan ang mga riot ng iba’t ibang grupo sa loob ng maximum security ng New Bilibid Prison (NBP), inilunsad kahapon ang paligsahan sa mga presong mahusay kumanta para tanghaling "Video King".

Ang nasabing paligsahan ay pinangunahan ni Bureau of Correction director, Ret. Col. Ricardo Macala at ilang matataas na opisyal ng NBP.

Humigit-kumulang sa 14 na inmates ang sumali sa naturang paligsahan.

Ang video king contest ay isa lamang sa inihahandang rehabilitation program ng pamunuan ng bilangguan sa layuning mabawasan kundi man tuluyang mapigil ang mga pagra-riot sa piitan ng iba’t ibang grupo.

Layunin din nito na mabawasan ang kalungkutan ng mga bilanggo na nangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay. (Lordeth Bonilla)

BUREAU OF CORRECTION

HUMIGIT

LAYUNIN

LORDETH BONILLA

NEW BILIBID PRISON

PALIGSAHAN

RICARDO MACALA

UPANG

VIDEO KING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with