Witness vs Milyonaryong nakapatay ng nurse, nawawala
May 10, 2002 | 12:00am
Nawawala na umano ang isa sa pangunahing testigo na nagsasangkot sa milyonaryang ginang sa pagpaslang sa isang private nurse na naganap noong nakalipas na Abril 12 sa Las Piñas City.
Hindi na umano makita pa si Wensis Tablang, driver ng suspect na si Marybeth Prieto Lopez-de Leon, isang milyonaryang ginang na nahaharap ngayon sa kasong murder na isinampa sa Las Piñas City Prosecutors Office.
Ayon kay Atty. Melanio "Batas" Mauricio Jr., abogado ng pamilya ng biktimang si Belma Andrada-Abella na hindi na makita pa ang driver na sinasabing pangunahing testigo sa kaso.
Nakasaad sa liham ni Atty. Mauricio para sa hepe ng pulisya ng Las Piñas police, sinabi ng pangalawang asawa ni Belma na si Raul Abella na si Tablang ay hindi na umuuwi sa tinutuluyan nitong bahay sa Cubao, Quezon City at maging sa Camarin sa Caloocan City.
Magugunitang unang nagbigay ng pahayag si Tablang sa pulisya na nagsasabing ang kanyang among si Lopez ang responsable sa pamamaril at pagpatay sa biktima.
Nabatid naman sa pulisya na may pagbabanta sa buhay ni Tablang at malaki ang kanilang hinala na natatakot na ang naturang testigo kaya ito nagtago. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest