Nakilala ang nagreklamo na si Alice Bingo, 30, ng 29 Kamias Road, Quezon City. Habang ang inireklamo ay ang kanyang alagang si Elaine Dizon o Ayesa Basa sa tunay na buhay ng Palawan St., Barangay Pag-asa, Quezon City.
Nabatid na kagagaling pa lamang ng suspect kasama ang barkada nito sa pagbabar-hopping nang pumasok sa loob ng kanyang bahay.
Umalis umano itong tangay ang kanyang 8810 na cellphone na nagkakahalaga ng P20,000 at cash na P8,500. Matapos umano ang insidente ay hindi na ito nagpakita pa sa kanya. (Ulat ni Angie dela Cruz)