^

Metro

Total ban sa mga OFWs na walang working permit

-
Ipapatupad na ngayon ng Bureau of Immigration ang ‘total ban’ sa lahat ng mga papaalis na Overseas Filipino Workers na walang kaukulang working permit mula sa Philippine Overseas Employment Administration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ibang subports.

Sa Memorandum Order na nilagdaan kahapon ni BI Commissioner Andrea Domingo mahigpit nitong iniutos sa kanyang mga immigration officers na nakatalaga sa ‘exit points’ na huwag pahintulutang makalabas ng bansa ang mga departing workers kung walang overseas employment certificate (OECs) na inisyu ng POEA.

Magugunita na ang kautusan ay ipinalabas ng BI chief makaraang iulat ng Department of Foreign Affairs ang pagdating ng mga Pinoy workers mula sa Syria sa kabila ng government ban ng deployment sa Middle Eastern countries.

Batay sa impormasyong nakalap, nabatid na may average 25 Filipino workers na nagpapanggap na turista ang dumarating sa Syria kada buwan na walang kaukulang employment contracts na inaprubahan ng Phil. Embassy sa Damascus. (Butch Quejada)

BATAY

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

IPAPATUPAD

MIDDLE EASTERN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

SA MEMORANDUM ORDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with