^

Metro

2 labor arbiter, 1 union leader arestado sa pangingikil

-
Dalawang labor arbiter ng Department of Labor and Employment (DOLE) at isang union leader ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang entrapment operation, kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Kinilala ni Deputy Director for Special Investigation (DDSI) Fermin Nasol ang mga suspect na sina Wilfredo Santos, 58, may-asawa, ng B-18, L-15 Juana, Biñan, Laguna; Darrow Odsey, 38, ng #93 Holy Ghost Ext., Baguio City, kapwa mga labor arbiter at ang lider ng unyon na si Jaime Babon, 47, na nagpakilalang Executive Vice President ng Lakas Manggagawa sa Pilipinas (LAKAS) ng Malabon, Metro Manila.

Sa isinagawang pagsisiyasat, nabatid na nagsagawa ng rally ang mga manggagawa ng Benison Motors Corp. ng walang kaukulang notice sa Pasay City.

Dahil sa usapin at problema ng nasabing kompanya ay kumakatawan kay Grace Yao at mga manggagawa sa pamumuno naman ni Babon, nakaabot ang nasabing kaso sa DOLE at bumagsak ito sa tanggapan ni Santos.

Ayon kay Yao, kinontak umano siya ni Santos sa telepono at humihingi ng P.5 milyon upang magpalabas ng isang resolusyon na pumapabor sa una. Siniguro rin ni Babon na kanyang ipapatanggal ang strike matapos na matanggap nito ang kanyang hinihinging halaga.

Nabatid na kasalukuyang lugi umano ang kompanya kaya nakiusap na lamang si Yao na babaan ni Santos ang hinihinging halaga sa P200,000.

Pumayag naman si Santos hanggang sa magkasundo ang dalawa na isagawa ang pay-off sa isang restaurant sa Malate kung saan kasama si Babon sa tatanggap ng pera.

Dahil dito, humingi ng assistance sa NBI hanggang sa isagawa ang entrapment. (Ellen Fernando)

BABON

BAGUIO CITY

BENISON MOTORS CORP

DAHIL

DARROW ODSEY

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DEPUTY DIRECTOR

ELLEN FERNANDO

EXECUTIVE VICE PRESIDENT

FERMIN NASOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with