Sa biglaang protesta kahapon sa EDSA gate ng Camp Crame, isinigaw ng ibat ibang grupo ng manggagawa ang pagbalewala ng PNP sa kaso ng kanilang lider. Ang naturang protesta ay itinaon ng grupo sa ika-15 buwan nang pagkapaslang kay Ka Popoy sa loob mismo ng UP campus.
Samantala, may 20 namang miyembro ng Maradeka, isang Muslim organization ang nagsagawa ng sarili nilang lightning rally sa labas din ng Camp Crame upang iprotesta naman ang umanoy walang basehang pag-aresto sa anim na pinaghihinalaang terorista sa Pangasinan noong nakalipas na linggo.
Iginiit ni Nash Pangadapun, lider ng grupo na ang anim na inarestong Muslim ay pawang mga estudyante ng barrio-type ng Arabic Islamic Educational Center at hindi mga terorista. (Ulat ni Doris Franche)