^

Metro

Pagtaas ng bilang ng OFWs na inaapi sa ibang bansa, bubusisiin

-
Sisiyasatin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang sinasabing pagtaas ng bilang ng mga OFWs na ginagawang alipin at pawang umuuwing luhaan mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, partikular na sa Gitnang Silangan.

Ito ang nabatid kay OWWA chief Wilhelm Soriano na nakabase sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nabatid mula sa NAIA Assistance Report ng OWWA na kabilang sa mga sumbong ng mga nagbalikbayang Pinay workers na mistulang hayop ang turing sa kanila ng kani-kanilang mga among Arabo. Bukod umano sa pagmamaltrato at pang-aabuso sa kanilang karapatan bilang manggagawa ay hindi pa umano ipinagkakaloob sa kanila ang kaukulang suweldo na kanilang pinaghirapan sa loob ng dalawa hanggang apat na buwan.

Samantala, dalawa pang bangkay ng OFWs ang dumating sa bansa kahapon na nasawi dahil sa sakit habang nagtatrabaho sa ibayong dagat.

Ang mga ito ay nakilalang sina Kate Sapang ng Zamboanga at nagbuhat sa Bahrain at si Bernard Cuaubalejos ng Nasugbo, Batangas na nagbuhat naman sa Saipan.

Batay sa impormasyong nakalap kay Soriano, puspusang nagsasagawa ng pag-aaral ang OWWA sa mga suliraning kinakaharap ng mga Pinoy Workers sa Middle East na nagiging sanhi ng kanilang kabiguan. (Ulat ni Butch Quejada)

ASSISTANCE REPORT

BERNARD CUAUBALEJOS

BUTCH QUEJADA

GITNANG SILANGAN

KATE SAPANG

MIDDLE EAST

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PINOY WORKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with