^

Metro

US Navy tinusok habang nagbabantay sa barko

-
Pinagsasaksak ng hindi pa nakikilalang salaring hinihinalang terorista ang isang miyembro ng US Navy habang binabantayan nito ang barko ng Estados Unidos na nagpartisipa sa katatapos na Balikatan sa Central Luzon, habang nakadaong sa South Harbor sa Port Area, Manila kahapon ng madaling araw.

Sa ginanap na press conference kahapon sa Camp Aguinaldo, kinilala ni Lt. Gen. Narciso Abaya, deputy chief of staff at acting AFP spokesman ang biktima na si Dental Technician (DT) 3rd class David Edward Spencer.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng AFP kung may kinalaman ang mga terorista at ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa pag-atake sa nasabing US sailor.

Sinabi ni Abaya na ang insidente ay naganap dakong alas-12:25 ng madaling araw habang ang biktima at ilan pa nitong mga kasamahang security personnel ng Estados Unidos ay nagbabantay sa USS Fort McHenry na nakadaong sa Pier 13.

Idinagdag pa nito, na bigla na lamang umanong umatake ang hindi pa nakikilalang salarin buhat sa dilim at sinaksak ang biktima.

Si Spencer na nagtamo ng saksak sa baba at leeg ay mabilis na isinugod sa Manila Doctors Hospital na ngayon ay idineklara na nasa ligtas nang kalagayan.

Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa para matugis ang suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP AGUINALDO

CENTRAL LUZON

DAVID EDWARD SPENCER

DENTAL TECHNICIAN

ESTADOS UNIDOS

JOY CANTOS

MANILA DOCTORS HOSPITAL

NARCISO ABAYA

NEW PEOPLE

PORT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with