^

Metro

Pagkawala ng shabu sa NBI, inside job - solon

-
Isang inside job umano ang misteryosong pagkawala ng siyam na kilo ng shabu sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ang naging akusasyon kahapon ni House Assistant Minority Floor Leader Gilbert Remulla kaugnay sa nawawalang shabu na nagkakahalaga ng P20 milyon.

Maliwanag aniya na talagang nagaganap ang recycling at muling pagbebenta ng mga nahuhuling shabu ng ilang tiwaling tauhan ng pamahalaan.

Inirekomenda ni Remulla ang agarang pagbuo ng isang special team mula sa Department of Justice (DOJ) upang masusing imbestigahan ang pagkawala ng nasabing shabu.

"Isa itong seryosong insidente. Paano mawawala ang ipinagbabawal na gamot kung mismong tauhan ng pamahalaan ang involve sa pagpapakalat nito," pahayag pa ni Remulla.

Dapat lamang umanong kuwestiyunin ang liderato ni NBI director Reynaldo Wycoco dahil sa kanyang kapabayaan.

Nakapagtataka aniya na hindi kaagad naipaliwanag ni Wycoco ang pagkawala ng shabu sa kabila ng katanungan ng mga media.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Remulla na panahon na para amyendahan ang Republic Act 6425 o Dangerous Drugs Acts of 1972 upang agarang masunog ang mga ilegal na droga na nakukumpiska ng pulisya.

Sa ilalim ng panukala, hindi na kakailanganin pa ang physical presentation sa korte ng mga nahuhuling illegal drugs upang maiwasan ang pagbabalik ng mga ito sa pamilihan.

Samantala, inihayag naman kahapon ni DOJ Undersecretary Manuel AJ Teehankee na nagtatag na sila ng isang komite para magsagawa ng masusing pagsisiyasat sa kasong pagkawala ng may siyam na kilo ng shabu. (Ulat nina Malou Escudero at Grace Amargo)

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

DRUGS ACTS

GRACE AMARGO

HOUSE ASSISTANT MINORITY FLOOR LEADER GILBERT REMULLA

MALOU ESCUDERO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REMULLA

REPUBLIC ACT

REYNALDO WYCOCO

UNDERSECRETARY MANUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with