12-anyos na pasyente hinalay ng sikyu

Isang guwardiya ang dinakip ng pulisya matapos umano nitong gahasain ang isang 12-anyos na nene na pasyente sa pinaglilingkuran nitong ospital sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Chief Inspector Reynaldo Baral, hepe ng Criminal Investigation Division (CID), Pasay City Police ang biktima na itinago sa pangalang Bella, taga Saint Agustin, Maricaban, ng lungsod na ito.

Samantala, ang suspect ay nakilalang si Romano Tanola, 26, nakatira sa Block 38, Lot 46, Golden City, Ternate, Cavite, guwardiya sa Pasay City General Hospital.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, na-confine ang biktima sa Room 3 ng nabanggit na ospital, dahil sa trangkaso.

Dakong ala-1:55 kahapon ng madaling araw, kasalukuyang himbing na natutulog ang biktima ng pagsamantalahan ito ng suspect. Nagising ang biktima sa ginagawa ng suspect kayat agad itong nagsisigaw at humingi ng saklolo.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments