"Ngayon lang namin natiyak na ilang Filipino-Muslims contract workers ang nagsisilbing "couriers" ng mga impormasyon at mensahe ng al-Queda network sa Mindanao", pahayag ng isang opisyal sa intelligence community.
Ayon pa sa opisyal na humiling na huwag banggitin ang kanyang pangalan na mahigpit na nilang na-monitor at nakumpirma ang ganitong uri ng ulat.
Gayunman, ang kanilang kinukumpirma ay ang ulat na may mensahe at instructions buhat kay Mohamad Jamal Khalifa, na sinasabing brother-in-law ni bin Laden patungkol sa itinatayo nilang Islamic foundation sa Mindanao bilang front na siyang magiging funnel funds sa local terror groups.
Si Khalifa na wanted din ng Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa kanyang koneksyon sa ilang taong sangkot sa pambobomba sa World Trade Center noong 1993 at sa hindi naging matagumpay na assassination plot sa Pope noong dumalaw ito sa Maynila.
Nabatid na basta na lamang nawala si Khalifa sa Mindanao na siya nitong ginamit na kuta matapos ang Sept. 11 incident. Ito ay pinaniniwalaang bumalik sa Saudi Arabia at nag-ooperate ng terorismo sa Mindanao sa pamamagitan nang paggamit sa mga nagbabalik bayan na Filipino-Muslim contract workers.
Kaugnay nito masusi nang minomonitor ang mga nagbabalik-bayang contract workers na pinaniniwalaang symphatizers at supporters ni bin Laden.(Ulat ni Rey Arquiza)