Receptionist sinapak ng dayuhan
May 2, 2002 | 12:00am
Namaga ang mukha ng isang 24-anyos na empleyada ng isang embahada matapos na siya ay sapakin at sabunutan ng isang Bangladesh national sa loob ng opisina sa Makati City kahapon ng umaga.
Ang biktima ay nakilalang si Juvy Oguendo, receptionist ng Embassy of Peoples of Bangladesh at residente ng Blk. 4, Lot 11, Silvertown III, Malagasang 1st, Imus,Cavite.
Samantala nakakulong naman ang suspek na si Mohammad Farhad Ali, 22, isa umanong miyembro ng International Police (INTERPOL) at pansamantalang nakatira sa San Antonio st., Malate, Manila.
Lumalabas sa imbestigasyon, dakong alas-10:55 sa loob ng nasabing embahada na matatagpuan sa 2nd floor ng RE Bldg. Paseo de Roxas Ave. cor. Perea st., Legaspi Village ay kinompronta umano ng suspek ang biktima ukol sa mga sinusumbong nito sa kanilang ambasador.
Marahil ay nasermunan umano ang suspek ng kanilang ambasador kayat kinompronta nito si Juvy at sinabunutan at sinapak. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended