Sekyu na may agimat pinagbabaril, todas
May 1, 2002 | 12:00am
Hindi umubra ang agimat ng isang 25-anyos na security guard makaraang pagbabarilin at mapatay ng mga armadong kalalakihan na hinihinalang matagal na niyang kaalitan, habang namamalengke ang una kahapon ng umaga sa Quezon City.
Agarang namatay sa lugar na pinangyarihan ang biktimang si Arwin Nelmida.
Sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang krimen dakong alas-8 ng umaga sa talipapa sa Kaunlaran St., Commonwealth Avenue ng nasabing lungsod.
Ayon sa pulisya, inikutan ng limang kalalakihan si Nelmida habang namimili ito. Nagkaroon ng pagtatalo sa grupo ng mga suspect at biktima na nauwi sa mainitang komprontasyon hanggang sa isa sa mga suspect ang magbunot ng baril at barilin ang biktima sa dibdib.
Gayunman, hindi natinag ang biktima kahit na nga duguan. Nagtaka ang grupo ng mga suspect kung kaya sabay-sabay na ang mga ito na bumunot ng baril at pagbabarilin ang biktima, ang isa ay umasinta sa ulo.
Dito na nangisay at bumulagtang duguan ang biktima.
Nang masiguro ng mga suspect na patay na si Nelmida ay mabilis na nagsitakas ang mga ito.
Nabatid na malakas ang paniwala ng biktima na hindi siya tatablan ng anumang bala dahil sa iniingatan niyang agimat na nakalagay sa isang maliit na botelya na naglalaman ng langis at mga ugat ng punongkahoy na nakapulupot sa baywang nito.
Hindi pa matiyak ng pulisya ang motibo sa pagpaslang habang pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang hindi pa nakikilalang mga suspect. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended