^

Metro

Libong port workers nanganganib mawalan ng trabaho

-
Imbes na magdiwang, posibleng magluksa ngayon ang may 10,000 mga estibador at arastre kapag tuluyang ibinasura ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagpapatupad sa sampung porsiyentong singil ng taripa sa mga shipping companies kasabay ng paggunita sa Araw ng Paggawa.

Ito ay makaraang ihayag ni Rep. Wilfredo Villarama ng Bulacan na nangako ang Pangulong Arroyo sa mga opisyal ng shipping companies na aalisin nito ang itinaas na cargo handling fees simula ngayong araw na ito.

Dahil dito, nangangamba ang mga manggagawa sa mga daungan, partikular sa Manila North at South Harbor na mawalan ng trabaho sa sandaling pagbigyan ang panawagan ng mga local shipping giants na huwag munang ipatupad ang sampung-porsiyentong taripa.

Ayon kay Benjamin Akol, pangulo ng Philippine Chamber of Arrastre and Stevedoring Operators (PCASO), hindi makatao ang hiling na rollback ng domestic shipping operators, importers at exporters dahil mangangahulugan ito ng kawalan ng sahod at benepisyo, gayundin ang kasanayan para sa mga estibador at arastre.

Naniniwala naman si National Federation of Labor Unions (NAFLU), vice-president Manuel Arias na milyun-milyong halaga ang mawawala sa kita ng pamahalaan kapag tuluyang bumagsak ang koleksyon ng mga daungan sa bansa dulot ng hindi pagpapatupad sa karagdagang singil sa taripa.

BENJAMIN AKOL

MANILA NORTH

MANUEL ARIAS

NATIONAL FEDERATION OF LABOR UNIONS

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PHILIPPINE CHAMBER OF ARRASTRE AND STEVEDORING OPERATORS

SOUTH HARBOR

WILFREDO VILLARAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with