^

Metro

Pentagon leader, 3 pang MNLF integrees dinakip

-
Isang lider ng Pentagon group sa Mindanao kasama ang tatlong Moro National Liberation Front (MNLF) integrees na sinasabing responsable sa panghoholdap sa isang jewelry store sa Ever Gotesco Grand Central sa Caloocan City ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang operasyon kahapon.

Kinilala ang mga nadakip na suspect na sina Tong Sabdila; Deksie Makapindig; Nasser Kaluko at Mando Mato, pawang tubong Mindanao at pansamantalang nanunuluyan sa Baseco compound sa Tondo, Manila.

Ayon sa pulisya si Sabdila ay sinasabing isa sa lider ng Pentagon group at ang tatlo ay kanyang mga galamay na nagsasagawa ng ilegal na operasyon sa Kamaynilaan.

Ang mga suspect ay positibong itinuro ng mga testigo na sina Ricky Velosis at ni Joyce Soriano na siyang nangholdap sa Seiko Jewel Store na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Ever Gotesco noong nakalipas na Abril 13 ng taong kasalukuyan na dito nasawi ang isang security guard na nakilalang si Reden Beltran, 23.

Nabatid na ang mga suspect ay inaresto ng pulisya ng WPD matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang police asset na nakatakdang holdapin ng mga ito ang Jollibee food chain sa Manila.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang pulisya at naabutan nila ang mga suspect sa tapat ng nabanggit na food chain at nang siyasatin ay nasamsam sa mga ito ang isang baril at granada. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DEKSIE MAKAPINDIG

EVER GOTESCO

EVER GOTESCO GRAND CENTRAL

GEMMA AMARGO

JOYCE SORIANO

MANDO MATO

MINDANAO

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with