Mag-asawa ginigipit sa pagtatayo ng sariling eskwelahan
April 29, 2002 | 12:00am
Ipinahayag ng mag-asawang negosyante na hindi umano makatarungan ang isinampang kaso sa kanila sa Muntinlupa City Regional Trial Court ng may-ari ng isang computer school.
Nilinaw nina Agnes Abad, head ng Asian Institute of Health Care (AIHC) at Manny Abad, dating executive vice president ng AMA Computer College, na walang conflict of interest ang itinayo nilang training school, dahil ito ay ilang taon nang nag-o-operate.
Nabatid na ang training school ay itinayo para sa mga taong nais magsanay para makapunta ng ibang bansa upang magtrabaho bilang caregiver.
Sa record ng korte, ang mag-asawang Abad ay sinampahan ng civil case ng pamunuan ng AMA Computer College noong Marso 6 at Abril 12 ng taong ito sa sala ni Judge Alberto Lerma, ng Muntinlupa City Regional Trial Court.
Bukod dito, sinabi pa ni Ginang Abad na sinampahan siya ng kasong grave threat ni Dr. Amable Aguiluz V, founder ng AMA Computer College sa Quezon City Regional Trial Court.
Ipinahayag ni Ginang Abad, na hindi makatarungan ang ginawa sa kanila ng may-ari ng AMA at nagtataka sila dahil lamang sila kinasuhan nito nang magbitiw sa puwesto ang kanyang asawa sa nabanggit na computer school.
Nilinaw nito na wala naman itong conflict of interest at nais lamang nilang makatulong, kaya itinayo nila ang training school para sa mga taong nais maging caregiver. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest