Ang hinatulan sa 55-pahinang desisyon ni Manila Regional Trial Court Branch 27 Judge Teresa Soriaso ay sina dating Mayor Joven de Grano at kapatid nitong si Armando gayundin ang mga security escorts ng alkalde na sina Estanislao Lacaba at Domingo Landicho.
Samantala, ang kaso laban sa dalawa pang akusado na sina Leonides, kapatid ni Domingo at Leonardo Gentil ay ipina-archive ni Judge Soriaso at ito ay muling bubuhayin sa oras na madakip na ang dalawa.
Sina Leonides at Lacaba ay dating miyembro ng Philippine National Police (PNP), samantalang si Domingo ay dati namang kasapi ng Philippine Constabulary (PC).
Samantala, si de Grano naman ang siyang acting mayor nang maganap ang pagbaril sa biktima.
Bukod sa hatol, ang mga akusado ay inutusan ding magbayad ng P50,000 sa pamilya ng biktimang si Emmanuel Mendoza.
Batay sa rekord ng korte, si Mendoza ay binaril ng walong beses sa pagitan ng 9 at 10 p.m. noong Abril 21, 1991, sa isang saklaan sa Barangay Balakilong, Laurel, Batangas. (Ulat ni Andi Garcia)