^

Metro

Dalagita halinhinang hinalay ng 2 bagets

-
Nadakip ang dalawang binatilyo matapos umanong halinhinang gahasain ng mga ito ang isang 12-anyos na dalagita dahil sa naimpluwensiyahan ng triple X-rated na VCD na napanood nila kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Ang mga nadakip na suspect ay itinago sa pangalang Paul, 14 at Gen, 15, ng Barangay Caniogan, Pasig City.

Itinago naman ang biktima sa pangalang Mercedez, 12.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Pasig City Police, nakapanood umano ang mga suspect ng triple X-rated VCD at pagkatapos ay pinuntahan nila ang biktima at niyayang maglaro sa bahay ng isa nilang kaibigan na itinago sa pangalang Dindo na malapit lamang sa nabanggit na lugar.

Tiwala naman ang biktima at pumasok ang mga ito sa bakanteng kuwarto, namangha ang dalagita nang hubaran siya ng mga suspect hanggang sa halinhinang halayin.

Matapos ang insidente mabilis na nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang na agad namang nagharap ng reklamo sa pulisya kaya nadakip ang mga suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY CANIOGAN

DINDO

ITINAGO

LORDETH BONILLA

MATAPOS

MERCEDEZ

NADAKIP

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with