^

Metro

Patas na trato kay Lumbao tiniyak ng Malacañang

-
Tiniyak kahapon ng Malacañang na walang diskriminasyon at bibigyan ng makataong trato ang arestadong lider ng Erap loyalist na si Ronald Lumbao.

Sinabi ni Acting Press Secretary Silvestre Afable na ibibigay din ang due process sa kaso ni Lumbao.

Ang pahayag ng Malacañang ay tugon sa reklamo ng People’s Movement Against Poverty (PMAP) na umano’y pinag-iinitan ng pamahalaan si Lumbao at may ipinatutupad na diskriminasyon sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman.

Inihalimbawa ang pagpayag na makapag-piyansa sina dating Senador Ernesto Maceda at Juan Ponce Enrile na may kaso ring rebelyon, subalit tinanggihan naman si Lumbao.

Sinasabing nanatiling nasa Camp Crame Hospital si Lumbao matapos itong isugod kamakalawa ng gabi nang biglang tumaas ang presyon ng dugo.

Kasabay nito, nilinaw din ng Malacañang na hindi pipigilan ang ilulunsad na kilos protesta ng PMAP lalo na sa paggunita sa Labor Day o Edsa 3, gayunman ipinaalala nito na may limitasyon sa mga demonstrasyon na dapat maging payapa. (Ulat ni Ely Saludar)

ACTING PRESS SECRETARY SILVESTRE AFABLE

CAMP CRAME HOSPITAL

ELY SALUDAR

JUAN PONCE ENRILE

LABOR DAY

LUMBAO

MALACA

MOVEMENT AGAINST POVERTY

RONALD LUMBAO

SENADOR ERNESTO MACEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with