Ito ang inihayag kahapon ni DOJ Secretary Hernando Perez makaraang katigan ng Manila Regional Trial Court noong nakalipas na Marso 22 ang kahilingan ng kampo ni Lumbao na muling imbestigahan ang nasabing kaso laban dito.
Ang re-investigation ay sisimulan sa Mayo 8 sa DOJ, gayunman mananatiling nakaditene sa Camp Crame ang naturang lider ng Erap loyalist.
Sinabi pa ni Perez na maari umanong tanggapin si Lumbao bilang state witness kung may sasabihin itong bago hinggil sa tunay na utak sa paglusob sa Malacañang.
Samantala, hanggang sa labas lamang ng Camp Crame maaaring magsagawa ng kilos-protesta ang mga taga-suporta ni Lumbao.
Ayon kay PNP base commander Chief Supt. Prospero Noble, malaya namang makapagsasagawa ng kilos protesta ang mga miyembro ng PMAP subalit sa labas ng kampo.
Binanggit nito na nais lamang nilang matiyak na mabibigyan ng seguridad si Lumbao, itinanggi din ng PNP-IG na pinagbabawalan nila ang sinuman na dumalaw kay Lumbao, gayunman prayoridad ang asawa at abogado nito.
Inamin ng PNP na ang pagpigil sa PMAP members na makapasok ay pagkontrol na rin sa posibleng karahasan na maaaring mangyari sa pagitan ng mga pulis at mga protester. (Ulat nina Grace Amargo at Doris Franche)