7 miyembro ng carnap gang, tiklo

Pitong miyembro ng notorious na carnap gang ang nadakip ng mga tauhan ng CPD-Ancar Task Force kasabay nang pagkabawi sa apat na sasakyan na ninakaw ng grupo sa serye ng operasyon na isinagawa sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City.

Nakilala ang mga nadakip na miyembro ng "Revo Gang" na sina Wilson Palma, 24, hinihinalang financier ng grupo; Antonia Cajudo, 44; Roniel Parohinog; Bienvenido Muñoz, 41; Lina Alegrado, 24; Benigno Sicad, 29 at Reynaldo Cadores, 37.

Nabawi sa mga nadakip ang kinarnap nilang apat na mamahaling sasakyan.

Sa isinagawang operasyon ilan sa mga suspect ay natunton malapit sa compound ng LTO.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang mga taong nagbibigay proteksyon sa grupo.

Nakatakda nang sampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip na suspect. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments