^

Metro

3 dinakip sa pekeng P 500 bills

-
Tatlong kababaihan na sangkot sa pagpapakalat ng mga pekeng P500 bill sa Divisoria, Tondo, Manila ang dinakip ng mga tauhan ng Western Police District (WPD).

Nakilala ang mga nadakip na suspects na sina Avelina Sembrano, 25; Rowena Arcega, 20 at Charina Yape, 25, pawang mga residente ng Matimtiman at Wagas Sts. sa nasabing lugar.

Kasalukuyan umanong namimili ang tatlong suspect sa pamilihang bayan ng Ilaya, sakop ng Divisoria nang mapansin ng isang tindero na si Narciso Armin na mga peke ang mga ibinabayad nitong pera kaya’t hindi nag-aksaya ng oras ang nasabing tindero at iniulat sa pulisya.

Hindi na nakapalag pa ang mga suspect ng arestuhin ang mga ito.

Tinatayang aabot sa 21,000 mga pekeng P500 bills ang nasamsam sa mga nadakip. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AVELINA SEMBRANO

CHARINA YAPE

DIVISORIA

ELLEN FERNANDO

ILAYA

NARCISO ARMIN

ROWENA ARCEGA

WAGAS STS

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with