Anak ni Babalu nag-suicide
April 27, 2002 | 12:00am
Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang isang anak na babae ng yumaong komedyante na si Babalu na ka-live-in ni Makati City Vice-mayor Ernesto Mercado, kamakalawa ng gabi sa isang condominium sa Makati City.
Hindi na umabot pang buhay nang isugod sa Makati Medical Center ang nasawi na nakilalang si Racquel Ambrosio, 24, ng Unit 2801, 28th floor ng Peak Tower, L.P. Leviste St., Salcedo Village ng nabanggit na lungsod.
Base sa ulat, si Ambrosio ay nagtamo ng isang tama ng bala sa tiyan buhat sa isang kalibre .38 baril.
Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Juancho Ibis, ng homicide section ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:40 ng gabi kamakalawa sa loob ng tinutuluyang condominium ni Ambrosio.
Base sa isinagawang imbestigasyon, nagpapaalam umano si Ambrosio sa kanyang kinakasamang si Mercado na magbabakasyon sa probinsiya, hindi ito pinayagan ng bise alkalde dahil sa nagbabakasyon umano doon ang kanyang mga kaibigan.
Sumama umano ang loob ng biktima at nang makaalis na ang bise alkalde ay kinuha nito ang nakatago niyang baril at nagbaril sa sarili.
Mabilis na isinugod sa pagamutan si Ambrosio subalit hindi na umabot pang buhay.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito, para tiyaking walang naganap na foul play sa insidente.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended