^

Metro

Pamunuan ng isang Chinese school ipapatawag ng CHR

-
Ipatatawag ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamunuan ng isang Chinese School makaraang magharap ng sumbong sa komisyon ang komedyanteng aktres na si Ai Ai dela Alas patungkol sa pag-isnab ng naturang paaralan na makapag-enrol ang kanyang anak dahil sa hiwalay ang mga magulang.

Sa isang panayam, sinabi ni CHR Commissioner Dominador Calamba na sakaling mapatunayang totoo ang sumbong na ito ay malinaw na paglabag ng paaralan sa karapatan ng bata partikular na ang karapatan nitong makapag-aral.

"Hindi naman kasalanan ng bata na hiwalay ang kanyang mga magulang, karapatan ng bata na makapag-aral lalo’t may pampaaral naman, walang masama doon", pahayag pa ni Calamba.

Binigyang diin ni Calamba na walang pakialam ang alinmang paaralan sa bansa na labagin ang karapatang pantao ng bawat indibiduwal lalo ang karapatan ng isang bata na makapag-aral.

Nabatid na hindi umano tinanggap ng hindi binanggit na pangalan ng paaralan na makapag-enrol dito ang anak ng aktres sa elementarya na ang dahilan lamang ay hiwalay ang kanyang mga magulang. (Ulat ni Angie dela Cruz)

AI AI

ANGIE

BINIGYANG

CALAMBA

CHINESE SCHOOL

COMMISSIONER DOMINADOR CALAMBA

CRUZ

HUMAN RIGHTS

IPATATAWAG

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with