^

Metro

Lider ng Erap loyalist inaresto

-
Makaraan ang halos isang taong pagtatago matapos na umano’y pamunuan nito ang paglusob sa Malacañang noong nakalipas na Mayo 1, naaresto na kahapon ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang lider ng People’s Movement Against Poverty (PMAP) na si Ronald Lumbao sa hideout nito sa Talipapa, Novaliches, Quezon City.

Ayon sa ulat, naaktuhan ng mga tauhan ng NCRPO ang isa sa mga galamay ni Lumbao na bumibili sa isang bakery dakong alas-2 ng madaling araw at nang sundan ito ay humantong sa isang apartment na siya umanong pinagkutaan ni Lumbao kung kaya hindi nag-aksaya ng panahon ang mga awtoridad at ito ay dinakip.

Si Lumbao ay sinampahan ng kasong rebelyon sa sala ni Manila Regional Trial Court Branch 27 Judge Teresa Soriaso kung saan walang inirekomendang piyansa para dito.

Agad din itong iniharap sa korte 12 oras matapos na maaresto ay pagharap nito ay matinding tensyon naman ang ibinunga nang lumusob sa korte ang may isang libo niyang tagasuporta.

Nakasagupa naman ng mga ito ay may 50 riot police. Isa ring radio reporter ng Angel Radio na nakilalang si Leo Palo ang minalas na masugatan sa naganap na karahasan.

Si Lumbao ay sinamahan ng abogado ng PMAP na si Rick Valmonte na agad nagharap ng Writ of Habeas Corpus sa korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Pinayagan naman ng Manila Judge ang kahilingan ng PNP na iditine si Lumbao sa Camp Crame sa kadahilanang seguridad.(Ulat nina Doris Franche,Andi Garcia at Jhay Mejias)

ANDI GARCIA

ANGEL RADIO

CAMP CRAME

DORIS FRANCHE

JHAY MEJIAS

JUDGE TERESA SORIASO

LEO PALO

LUMBAO

MANILA JUDGE

SI LUMBAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with