Nakilala ang nadakip na si Jia Li Ye ng Tomas Mapua St., Binondo.
Ayon sa ulat, inamin ng suspect sa isinagawang interogasyon na isa siyang miyembro ng sindikato at direktang pinadadalhan ng naturang droga mula sa Xiamen, China.
Si Jia ay dinakip matapos ang isinagawang buy-bust operation at ito ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 6425 o ang Dangerous Drug Act. (Ulat ni Ellen Fernando)