Custodial officer ng WPP na nang rape ng witness, sinuspinde
April 25, 2002 | 12:00am
Sinuspinde kahapon ang kontrobersiyal na custodial officer ng Witness Protection Program (WPP) matapos itong ireklamo nang panghahalay ng isang witness na ginang.
Ayon kay NBI director Reynaldo Wycoco, sinubpoena na nila ang inireklamong si Gerry Lintan, alyas Rustom upang magpaliwanag at sagutin ang akusasyong panghahalay sa biktimang itinago sa pangalang Eula.
Hahawakan ng NBI-Special Action Unit ang nasabing kaso sa pamumuno ni Atty. Vicente de Guzman III.
Ito ay matapos na iutos ni Justice Secretary Hernando Perez na magsagawa ng imbestigasyon ang NBI kaugnay sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng WPP.
Isasailalim sa medico-legal exam si Eula upang mabatid kung positibo ngang ginahasa ito.
Bukod kay Lintan, ipapatawag din ng NBI ang dalawa pang escort ng biktima upang magbigay liwanag sa kaso. Magugunitang inihayag ni Lintan na may relasyon sila ng nagrereklamong witness. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest