^

Metro

QC hall employees tatanggap na ng incentives bonus

-
Tatanggap na ng kanilang productivity incentive benefits ang mga empleyado ng Quezon City hall.

Ito ay makaraang iutos ni Quezon City Mayor Feliciano "SB" Belmonte ang pagpapalabas ng P11 milyon para ipamahagi sa nabanggit na mga empleyado ng city hall.

Sa kasalukuyan ang Quezon City hall ay may 5, 518 regular employees.

Inatasan ni Belmonte ang city budget, accounting at treasury office na ipalabas ang lahat ng available funds na kailangan para sa pagkakaloob ng benepisyo sa mga empleyado.

Sa kanyang panig, sinabi ni Belmonte na ang pagkakaloob ng naturang benepisyo sa mga empleyado ay bilang pagkilala ng kanyang pangasiwaan sa didikasyon sa trabaho ng mga empleyado.

Ang pagkakaloob ng productivity pay ay alinsunod sa National Compensation Circular No. 73 na inisyu ng Dept. of Budget and Management.

Kabilang sa mga empleyadong tatanggap nito ay kinabibilangan ng mga elective, appointive at mga regular employee at hindi kasama dito ang mga consultants at mga kontraktual. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BELMONTE

BUDGET AND MANAGEMENT

CRUZ

INATASAN

NATIONAL COMPENSATION CIRCULAR NO

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with