^

Metro

Chief ng 'Flying Squad' ng LTO, tiklo sa kotong

-
Dinakip kahapon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang mataas na opisyal ng Land Transportation Office (LTO) sa loob mismo ng kanyang tanggapan sa East Avenue sa Quezon City.

Ang dinakip ay si Vic Mendenilla, chief ng Flying Squad ng LTO sa aktong tumatanggap ng halagang P15,000 mula sa isang opisyal ng BLTB Company kapalit ng pagpabor nito sa pagpapalabas ng mga kumpiskadong bus ng naturang kompanya na una nang inimpound ng LTO dahil sa iba’t ibang paglabag sa traffic rules.

Lingid sa kaalaman ni Mendenilla, nakipag-ugnayan ang BLTB management sa NBI at isinumbong ang katiwalian nito.

Bunsod nito, nagsagawa ng operasyon ang NBI laban dito at agad na sinunggaban si Mendenilla matapos na hawakan ang sinasabing markadong pera.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni LTO chief Roberto Lastimoso na hindi niya kakanlungin ang sinumang tiwaling tauhan bagkus ay irerekomenda pa niya na masibak ito sa puwesto.(Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BUNSOD

EAST AVENUE

FLYING SQUAD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MENDENILLA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

ROBERTO LASTIMOSO

VIC MENDENILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with