Ang pag-aaral sa criminal justice system ay bahagi ng naging mungkahi ng National Police Commission (Napolcom) sa Department of Education (DepEd).
Ito ay ituturo ng Social Studies teachers sa pamamagitan ng pagpasok nito sa modules na kanilang ihahanda sa pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo.
Upang mas higit na epektibo ang pagtuturo dito sa mga mag-aaral, nitong nakaraang Abril 10 hanggang 12 ay isinailalim ang ilang piling guro ng Social Studies at Sibika mula sa ibat-ibang pampublikong paaralaan sa isang seminar.
Sinabi ni Napolcom Vice-chairman at Executive Officer Rogelio Pureza na kinakailangang matutuhan umano ng mga kabataan ang Criminal Justice System sa bansa para sa kanilang paglaki ay mahubog sa kanilang isipan ang tamang pananaw ukol sa pagpapairal ng batas at katarungan sa lipunan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)