^

Metro

Criminal justice system ituturo na sa mga high school

-
Ituturo na sa darating na pasukan ang ‘criminal justice system’ sa mga mag-aaral sa high school, upang mas higit na mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan sa kasalukuyang sistema ng batas sa bansa.

Ang pag-aaral sa ‘criminal justice system’ ay bahagi ng naging mungkahi ng National Police Commission (Napolcom) sa Department of Education (DepEd).

Ito ay ituturo ng Social Studies teachers sa pamamagitan ng pagpasok nito sa modules na kanilang ihahanda sa pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo.

Upang mas higit na epektibo ang pagtuturo dito sa mga mag-aaral, nitong nakaraang Abril 10 hanggang 12 ay isinailalim ang ilang piling guro ng Social Studies at Sibika mula sa ibat-ibang pampublikong paaralaan sa isang seminar.

Sinabi ni Napolcom Vice-chairman at Executive Officer Rogelio Pureza na kinakailangang matutuhan umano ng mga kabataan ang Criminal Justice System sa bansa para sa kanilang paglaki ay mahubog sa kanilang isipan ang tamang pananaw ukol sa pagpapairal ng batas at katarungan sa lipunan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ABRIL

CRIMINAL JUSTICE SYSTEM

DEPARTMENT OF EDUCATION

EXECUTIVE OFFICER ROGELIO PUREZA

HUNYO

LORDETH BONILLA

NAPOLCOM VICE

NATIONAL POLICE COMMISSION

SOCIAL STUDIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with