Valenzuela cop sinibak sa pagtatakip sa mga suspek
April 22, 2002 | 12:00am
Dahilan sa umanoy pagtatakip sa kasong kanyang hinahawakan, isang kagawad ng Valenzuela police ang sinibak sa tungkulin ng Peoples Law Enforcement Board (PLEB) matapos itong ipagharap ng kaso ng isang ginang.
Si SPO1 Arnold Alabastro na nakatalaga bilang imbestigador ng Valenzuela police ay sinibak sa kanyang tungkulin dahil sa ginawa umano nitong pagtatakip sa kaso ng dalawang suspect na sina Rizaldy Celez at Boyet Gonzales ng panggagahasa at pagpatay sa biktimang si Maria Victoria Chan noong Hunyo 25, 1995.
Samantala, pinawalang-sala naman ng PLEB si SPO2 Arsenio Nacis dahilan sa kakulangan ng sapat na ebidensiya laban dito.
Base sa 22 pahinang desisyon ng PLEB, pinagtakpan umano ni Alabastro ang mga suspect sa naturang kaso nang muling paimbestigahan ng ina ng biktima na si Elvira Chan, residente ng 4268 Diam St., Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod.
Nabatid na noong Hulyo 7, 1995 matapos ang krimen ng panggagahasa at pagpatay sa biktima ay kaagad na nadakip si Larry Mahinay at itinuro ng mga ito si Celez at Gonzales na kasama sa krimen.
Subalit pinagtakpan umano ito ni Alabastro, kung kayat hindi kaagad nadakip ang dalawa dahilan upang magsampa ng kaso sa PLEB si Chan samantalang ibat ibang ahensiya naman ng gobyerno ang gumawa ng pag-aaresto sa dalawang suspect. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 15, 2025 - 12:00am