Holdaper tigbak sa parak
April 21, 2002 | 12:00am
Bagamat may anim na saksak sa katawan, buong tapang na hinarap ng isang pulis-Maynila at nagawang barilin pa hanggang sa mapatay ang isa sa tatlong hinihinalang mga holdaper, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.
Ang suspect na hindi pa nakikilala ay namatay noon din bunga ng tinamong isang tama ng bala ng baril sa kaliwang dibdib.
Samantala, nasa maselan pa ring kalagayan ang nakabaril na pulis na nagtamo ng mga saksak sa katawan na nakilalang si PO2 Ronnie Sanchez.
Sinabi sa ulat na naganap ang insidente kahapon ng madaling araw sa panulukan ng Dagupan at Kundiman Sts.
Kasalukuyan umanong naglalakad si Sanchez sa naturang lugar nang mapansin ang tatlong lalaki na armado ng mga baril.
Sinita ni Sanchez ang grupo ng mga suspect dahilan upang isa dito ang magbunot ng patalim at pagsasaksakin ang pulis.
Sa kabila na nagtamo na ng mga saksak sa katawan ay nagawa pa ring mabunot ng pulis ang kanyang baril at pinaputok sa mga suspect. Isa dito ay kanyang napuruhan at napatay.
Malaki ang paniwala ng pulisya na ang grupo ng mga suspect ay mga holdaper ng pampasaherong jeep na nag-ooperate sa naturang lugar. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended