^

Metro

Tensyon naghari sa isang barangay sa Navotas

-
Naghari ang tensyon sa isang barangay hall sa Navotas matapos na magkaroon ng kudeta nang tangkaing bumalik sa puwesto ng dating chairwoman dito na sinuspinde ng DILG.

Daan-daang supporters ng sinuspindeng chairwoman ng North Bay Boulevard South (NBBS) na si Carolina Villota ang sumugod sa barangay hall na matatagpuan sa Lapu-Lapu Avenue at nagsagawa ng mahigit sa 24 oras na programa.

Ito naman ang dahilan kaya naalarma ang mga taga-suporta at mga barangay tanod ng kasalukuyang nakaupong chairwoman na si Adoracion Almocera kaya’t agad na humarang ang mga ito sa pintuan.

Nabatid na pilit na pinabababa ni Villota si Almocera base sa ipinalabas na kautusan ng Malacañang na may petsang Abril 3, 2002 at may pirma ni Waldo Flores, senior deputy executive secretary na nag-aatas na tapos na ang anim na buwang suspension ng una kasabay din ang kautusan mula kay DILG Secretary Joey Lina na pinal at executory noong Abril 13, 2002.

Ang kautusan naman ni Flores at ni LIna ay tinanggap ng DILG Navotas at isinerve ni Luz Hinola kamakalawa ng hapon subalit kinuwesyon ni Almocera ang authenticity ng mga nasabing dokumento dahil sa ibat-ibang tao ang nakapirma dito.

Gayunman, nagsampa ng TRO si Almocera sa Malabon RTC subalit nabatid na wala pang desisyon. (Ulat ni Gemma Amargo)

ABRIL

ADORACION ALMOCERA

ALMOCERA

CAROLINA VILLOTA

GEMMA AMARGO

LAPU-LAPU AVENUE

LUZ HINOLA

NAVOTAS

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

SECRETARY JOEY LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with