^

Metro

Pagpipiyansa ng 5 Chinese na dawit sa droga pinabubusisi

-
Pormal na hiniling ni DILG Secretary Joey Lina sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang maanomalyang paglaya makaraang makapagpiyansa ang limang Chinese nationals na umano’y kasapi sa Fijian drug syndicate at nahaharap sa kasong Republic Act 6425 o ang Anti-illegal drugs law, isang walang piyansang opensa.

Kasabay nito, inatasan din ni Lina si PNP Chief Director General Leandro Mendoza na magsagawa ng imbestigasyon at idetermina ang administrative at criminal liability kapag may matibay na ebidensiya sa PNP chemist na si Inspector Vivian Sumabay na naiulat na hindi nakarating sa mga pagdinig ng kaso sa korte ng sinasabing mga dayuhan.

Batay sa liham ni Lina kay DOJ Secretary Hernando Perez, hiniling nito na magsagawa ng kaukulang hakbang upang mapabago ang naging desisyon ni Pasig City RTC Judge Rodrigo Lorenzo ng Branch 266 at maging ang pag-iimbestiga sa umano’y hindi pag-aksyon ng prosekusyon para tanggihan ang petisyong pagpipiyansa nina Chua Chiy Li; Huang Hong Wei; Joey Lu; Xingfu Wang at si Tomas Lu na naaresto noong nakalipas na Nobyembre sa 44 St. Augustine St. Capitol 8 Subd. sa Pasig.

Batay sa ulat, hindi umano, tinutulan ni Assistant City Prosecutor Conrado Tolentino ang petisyon nina Li para makapagpiyansa, kahit na non-bailable ang nasabing kaso makaraang mahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng ilang milyon at iba pang ilegal na chemical ang mga suspect.

Pinasisiyasat din ni Lina si Sumabay na hindi umano dumalo sa mga pagdinig. Ang pagdalo umano nito ay may malaking maitutulong sa pagpapatibay sa kaso laban sa mga suspect. (Ulat ni Jhay Mejias)

ASSISTANT CITY PROSECUTOR CONRADO TOLENTINO

BATAY

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

CHUA CHIY LI

DEPARTMENT OF JUSTICE

HUANG HONG WEI

INSPECTOR VIVIAN SUMABAY

JHAY MEJIAS

JOEY LU

JUDGE RODRIGO LORENZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with