^

Metro

Breastmilk kontaminado ng dioxins - Greenpeace

-
Maaaring maging sakitin na ang mga bata na kasalukuyang pinadedede mula sa gatas ng ina.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Greenpeace International na inilunsad noong 1999 sa pangunguna ng mga international scientist.

Ayon sa pag-aaral na ito, naapektuhan na ng matinding polusyon ang gatas ng mga ina partikular na ang mga nagpapasuso ng bata na naninirahan sa Metro Manila dahil sa tindi ng polusyon sa nabanggit na lugar.

Sinabi ni Von Hernandez, convenor ng Greenpeace, nangolekta ang kanilang mga siyentipiko ng breastmilk ng mga Pinay at lumabas sa pag-aaral na mataas ang level ng pollutants na tinatawag na dioxins dito.

Kasama sa mga dioxins na natagpuan sa nakolektang gatas ng mga ina ang polychlorinated biphenyls, DDT at ultratoxic furans na pawang nagdudulot ng cancer.

Nakumpirma din sa pag-aaral na ang mga nakakalasong dioxins na ito ay naipasa na ng mga ina sa kanilang mga pinasusong anak.

Naalarma dito ang Greenpeace dahil ayon kay Hernandez masyadong mataas ang level ng dioxins na kanilang nakita sa breastmilk samples kumpara sa allowable limit dito ng World Health Organization.

Dahil dito, iginiit ng grupo sa mga mambabatas na ratipikahan na ang ‘Stockholm treaty’ na magbabawal sa iba’t ibang bagay na pinagmumulan ng polusyon. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

CRUZ

DAHIL

GREENPEACE

GREENPEACE INTERNATIONAL

METRO MANILA

VON HERNANDEZ

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with