Tsinoy todas sa QC ambush
April 19, 2002 | 12:00am
Inambus at napatay ang isang negosyanteng Filipino-Chinese ng hindi pa nakikilalang mga suspect habang ito ay papauwi sa kanyang bahay sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Nasawi habang ginagamot sa United Doctors Medical Center ang biktimang nakilalang si Charles Uy, 50, ng 64 Malaya St., Maharlika, La Loma, Quezon City.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Ramon Fernandez ng Central Police District- Criminal Investigation Unit naganap ang insidente pasado alas-12 ng madaling araw ilang metro na lamang ang layo sa bahay ng biktima.
Sinabi sa report na lulan ang biktima ng kanyang Mitsubishi Lancer na may plakang WAZ-650 nang biglang harangin ng isang kulay maroon na kotse na walang plaka na dito lulan ang apat na suspect.
Tatlo sa mga suspect ang mabilis na bumaba ng sasakyan at walang sabi-sabing pinaulanan ng putok ng baril ang biktima.
Matapos ang pananambang mabilis na nagsitakas ang mga suspect.
Hindi pa malinaw kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang ambush.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am