^

Metro

'Report card-for-ransom' uso sa mga paaralan

-
Nagbabala kahapon ang Department of Education (DepEd) sa lahat ng school superintendent at mga prinsipal na papatawan ng kaukulang kaparusahan kapag napatunayang nang-iipit ng mga report cards ng mga mag-aaral kapalit ng mg hinihinging school fees na nauna nang ipinagbawal ng ahensiya.

Sa isang memorandum na ipinalabas ni Undersecretary Ramon Bacani, nakatanggap ang DepEd Central Office ng napakaraming reklamo buhat sa mga magulang ng mga mag-aaral na hindi na nabibigyan ng kanilang mga report cards.

Hinihinging kapalit umano ng mga guro at prinsipal ang buong kabayaran sa mga school fees tulad ng PTA collection at iba-ibang mga tikets.

Nilinaw ni Bacani na patuloy pa rin ang alituntunin ni Roco na ipinagbabawal ang puwersahang paniningil ng mga school fees at walang basehan ang pag-iipit ng mga report cards ng mga mag-aaral na hindi makayang makabayad dahil sa kahirapan.

Mahigpit na ipinag-utos ni Bacani ang agarang pagpapalabas ng mga report cards ng mga mag-aaral lalo na sa mga aakyat sa high school at kolehiyo. Nanawagan din ito sa mga magulang na patuloy na iulat sa mga district at regional offices at sa Central Office ang mga guro at prinsipal na patuloy na nanghihingi ng school fees na parang ransom upang makuha ang mga reports cards ng mga mag-aaral. (Ulat ni Danilo Garcia)

BACANI

CENTRAL OFFICE

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

HINIHINGING

MAHIGPIT

NAGBABALA

NANAWAGAN

UNDERSECRETARY RAMON BACANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with