Pekeng pulis inaresto
April 18, 2002 | 12:00am
Inaresto ng mga tauhan ng Malabon police ang isang lasing na security guard matapos itong magpakilalang pulis, manutok ng baril at bugbugin ang isang jeepney driver kahapon ng madaling araw sa Malabon.
Kinilala ni Supt. Pedro Ramos, hepe ng Malabon police ang suspect na si Filemon Daycusan, 46, ng St. Paul Security Agency at residente ng 17 SC. Herrera St., Brgy. Ibaba, Malabon.
Si Daycusan ay inaresto matapos itong ireklamo nang pambubugbog at pagpalo ng baril sa ulo sa biktimang si Wilfredo Duarme, 29, ng Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Lumitaw sa isinagawang imbestigasyon na naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling araw habang binabagtas ng biktima sakay ng pampasaherong jeep ang kahabaan ng M.H.del Pilar sa Malabon.
Dahil sa lasing ay pinagtripan ng suspect na harangin ang nasabing jeep at saka nagpakilalang pulis sa biktima habang hawak ang isang kalibre .38 baril. Pilit nitong pinababa sa sasakyan si Duarme.
Dahil naman sa takot ay tumangging bumaba ng sasakyan ang biktima sanhi naman upang paluin siya ng baril sa ulo ng suspect.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng pagroronda ang mga tauhan ng Malabon police nang matiyempuhan ang kaguluhan at doon natuklasang pekeng pulis si Daycusan. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended