^

Metro

Parañaque City fiscal tiklo sa kotong

-
Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang piskal sa Parañaque City dahil umano sa pangongotong sa isang negosyante.

Kinilala ni NBI director Reynaldo Wycoco ang dinakip na piskal na si Apolinar Quetulio, 53, ng Masambong, Quezon City.

Base sa isinagawang imbestigasyon tinangka ng suspect na humingi ng pera sa biktimang si Rey Namoco, may-ari ng DELS Trucking Service noong nakalipas na Lunes kapalit ng pagre-release sa na-impound na cargo truck ng biktima.

Nabatid pa sa ulat na ang cargo truck ni Namoco na may lamang mga Nestle products ay na-intercept noong Lunes ng mga tauhan ng pulisya.

Ang truck ay inimpound, habang ang driver at dalawang helper nito ay dinala sa Parañaque police at saka ininquest sa piskalya sa ulat na ang mga karga nito ay pawang mga nakaw.

Gayunman, sa kabila na nabigo ang pulisyang mapatunayang nakaw ang karga ng truck ay pinigil pa rin ni Quetulio na irelease ito at palayain ang driver at dalawang helper.

Sinabi pa ng biktima na humihingi ng halagang P60,000 ang naturang piskal para mai-release ang truck at ang kanyang tauhan. Tinakot pa umano siya ng piskal na mahaharap sa kasong robbery, hijacking at car theft kung hindi siya makakabayad.

Nakatawad umano ang biktima sa halagang P40,000 at bilang pauna ay binigyan na niya ang suspect ng halagang P10,000 at ang P30,000 ay ibabalik niya kinabukasan.

Lingid sa kaalaman ng piskal ay nagsumbong na ang biktima sa NBI na inihanda ang entrapment operation.

Si Quetulio ay dinakip matapos tanggapin sa loob ng kanyang tanggapan ang halagang P30,000 marked money. (Ulat ni Mike Frialde)

APOLINAR QUETULIO

DINAKIP

GAYUNMAN

MIKE FRIALDE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

REY NAMOCO

REYNALDO WYCOCO

SI QUETULIO

TRUCKING SERVICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with