Tiya ng AFP general patay sa QC fire
April 18, 2002 | 12:00am
Isang katao ang nasawi, samantalang dalawa pa ang nasugatan makaraang masunog ang bahay ng camp commander ng AFP General Headquarters kahapon ng madaling araw sa loob mismo ng Camp Aguinaldo sa Quezon City.
Pagbabakasyon sana ang gagawin ng nasawing si Soledad Castro, 63, tiyahin ni Camp Commander Brig. Gen. Celso Castro makaraang sumailalim ito sa operasyon sa kanyang mata ng masawi sa naganap na trahedya. Samantala, sugatan naman sina Maria Nenita Castro, 80 at Ramon Castro, 27, ina at anak ng nabanggit na camp commander.
Sa paunang imbestigasyon ng Quezon City Fire Department, nagsimula ang sunog dakong ala-1:10 ng madaling araw sa tahanan ni Gen. Castro at naapula lamang dakong ala-1:51 na umabot hanggang sa ikalimang alarma.
Sinabi ni Gen. Castro na dumalaw lamang umano ang kanyang tiya at ina sa kanyang bahay para magpalakas matapos sumailalim sa operasyon sa mata ang una.
Lumitaw sa paunang imbestigasyon na faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog. (Ulat ni Jhay Mejias at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended