Ito ang inihayag kahapon ni PNP chief Director Gen. Leandro Mendoza matapos kilalanin ang suspect na si Rogelio Adamat, alyas Roger, 41, tubong Cotabato City at nagtapos sa Notre Dame University sa Cotabato.
Ayon kay Mendoza, ang pagkilala kay Adamat ay bunsod na rin nang pagkakatugma ng fingerprints nito sa file ng National Bureau of Investigation (NBI) at sa fingerprints na nakuha mula sa improvised explosive device na natagpuan sa Malate, Manila noong nakalipas na Marso 21.
Lumitaw na nagsumite ng standard finger print specimen si Adamat nang siya ay kumuha ng NBI clearance noong 1991. Si Adamat ayon sa rekord ay naninirahan sa 130 San Francisco St., 3503 City Homes, Mandaluyong City.
Sinang-ayunan din ito ng security guard ng Asian Development Bank na si Adamat ang kanyang nakita sa bisinidad ng Ortigas MRT dakong alas- 5:15 ng umaga noong nakalipas na Marso 20.
Batay sa impormasyong nakalap ng PNP, si Adamat ay dating miyembro ng International Labor Organization, United Nations at naging hostage taker noong 1990. Si Adamat ay may taas na 56 talampakan, kayumanggi ang kulay at ito ay sinasabing nagkapaglakbay na sa Saudi Arabia noong 1990 at Pakistan at Malaysia noong 1999. Gayunman, hindi pa malinaw sa PNP kung ano ang naging pakay nito sa naturang mga bansa.(Ulat ni Doris Franche)